Guro kinidnap sa Sulu

MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyem­bro ng bandidong Abu Say­yaf ang isang guro sa In­danan, Sulu, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Sitti Raima Manambula Hadail, guro sa Akuk Sang­kula Elementary School.

Batay sa naantalang ulat ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao, naga­nap ang insidente may da­lawang araw na ang nakali­lipas sa pagitan ng Baran­gay Mangis at Pang­lima Misuari sa Indanan ban­dang alas-3:45 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng kanilang service vehicle ang biktima kasa­ma ang ilan pang mga guro nang harangin ng mga maskarado at armadong bandido.

Ang biktima ay tinutu­kan ng baril saka puwer­sahang kinaladkad ng mga kidnappers patungo sa kagubatan.

 Nagsasagawa na ng malawakang pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar.

Show comments