8 naisalba sa pagkalunod
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Walo-katao ang naisalba sa pagkalunod makaraang tumaob ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Taggat sa bayan ng Claveria, Cagayan noong Martes ng umaga. Kabilang sa nakaligtas na mangingisda ay sina John Ricacho, Charlie Calitina, Gregorio Tafuru, Joey Ricacho, Rolando Yago Sr., anak na si Rolando Jr., Ronel, at si Romel. Napag-alamang winasak ng malalakas na alon ang bangkang-de-motor ng mga biktima kung saan nagpalutang-lutang ang mga ito hanggang sa matagpuan sila ng grupo ng mangingisda at regional disaster coordinating council. Victor Martin
- Latest
- Trending