2 bata nilunod ng engkanto
PANGASINAN, Philippines – Dalawang batang babae na sinasabing nakatuwaang lunurin ng engkanto ang lumutang sa karagatang sakop ng Barangay Cayanga sa bayan ng San Fabian, Pangasinan noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Percival Barba, ang dalawa na sina Louilla Aquino, at Genelin Ayes, kapwa 11-anyos at nakatira sa Barangay Longos at Cayanga. Napag-alamang nagkayayaan ang dalawang swimmer na maligo sa liblib na dalampasigan kung saan sinasabi ng mga matatanda na pinupugaran ng engkanto dahil sa kakaibang tanawin. Gayon pa man, hindi na lumutang ang dalawa na sinasabing biglang naglaho sa ibabaw ng tubig. Makalipas ang apat na oras ay natagpuan ang dalawang bangkay ng biktima na lumutang. Myds Supnad
- Latest
- Trending