3 sangkot sa holdap dakma

BULACAN, Philippines – Tatlo sa limang kalalakihan na sangkot sa panghoholdap sa mga pasahero ng jeepney ang naaresto ng pulisya sa tulong na rin ng taumbayan kamakalawa sa Barangay Bagong Buhay 1, Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang suspek na sina Marcial Buerza, 21, Brgy. Bagong-buhay 2; Mardy Lazaro, 19, ng Sampol Marke; at si Alex “Bokya” Guro, 20, ng Purok VI. Lumilitaw sa police report na magkakasabay na sumakay ng jeepney ang mga suspek nang magdeklara ng holdap. Nag­reklamo naman sa himpilan ng pulisya ang mga biktima kung saan sa tulong ng taumbayan ay naaresto naman ang tatlo. Boy Cruz

Show comments