^

Probinsiya

Bulto ng uniporme, mga bala nahukay

-

MANILA, Philippines - Dahil sa matalas na pang-amoy ng mga K9 dog ay nahukay ang mga bulto ng camouflage uniform, isang sakong bala kahapon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at military sa bahagi ng Barangay Pob­la­cion III sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Col. Leo Ferrer, commander ng Army’s 601st Infantry Brigade, ban­dang alas-2:45 ng hapon nang marekober ang ibi­naong mga unipor­me at sari-saring bala ng armas na pinaniniwalaang ginamit sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23.

Inihayag ni Ferrer na ang nahukay na iba’t ibang uri ng mga bala na nakalagay sa sako, mga camouflage uni­form ng pulis, Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) at Civilian Volunteer ay may ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Maguin­ danao Vice Governor Akh­mad Ampa­tuan na pinsan ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Si Akhmad ay nauna nang isinailalim sa imbesti­ gasyon kung saan hini­matay pa sa himpilan ng Maguindanao Provincial Police Office matapos ma­hulihan ng mga baril na walang lisensya habang kasama ang tatlong pulis sa checkpoint may ilang araw na ang nakalipas.

Inihayag ng opisyal na mayroon silang tipster na nagturo sa pinagbaunan ng bulto ng camouflage uniform at ilan ay may mga bakas pa ng natuyong dugo at bulto ng mga bala ha­bang inaasahang marami pa silang madidiskubre habang patuloy ang ope­rasyon.

 “Palagay ko ibinaon para maitago ang mga ebi­densya,” pahayag ni Ferrer kung saan masusi nang isinasailalim sa pagsusuri ang mga camouflage uniform at mga balang na­hukay. Joy Cantos

BARANGAY POB

CIVILIAN VOLUNTEER

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

INFANTRY BRIGADE

INIHAYAG

JOY CANTOS

LEO FERRER

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with