16 sasakyan sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Labing-anim na heavy equipment kabilang ang walong truck ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng madaling-araw sa Purok 17, Barangay Butong, Quezon, Bukidnon. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na sina­lakay ng mga rebelde ang Sunny Farm na pag-aari ni Pablo Lobregat kung saan dinisarmahan at iginapos ang nag-iisang security guard. Agad na binuhusan ng gasolina saka sinilaban ang walong truck at walong tractor kung saan hindi pa nakuntento ay tinangay din ng mga rebelde ang dalawang cell phone, dalawang set ng iCOM radio, dalawang tool box at isang acetylene gauge. Pinaniniwalaan namang may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde ang motibo ng panununog . Joy Cantos

Show comments