BULACAN, Philippines — Kalaboso ang apat na sibilyan na sinasabing nangikil ng malaking halaga sa secretary ng isang presidentiable candidate makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa Barangay Bunlo sa bayan ng Bocaue, Bulacan.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Alfred “Borgie” Mendiola, 27, ng Angeles City, Pampanga; Teresita Mendoza, 43, ng Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan; Kenneth Gatbunton, 26; at si Florencio Laxamana, kapwa residente ng Candaba, Pampanga. Lumilitaw sa police report na tinangkang kikilan ng mga suspek ang secretary ni Bro. Eddie Villanueva na si Jake Villanueva kapalit ng pagsuporta sa kandidato ng huli.
Kinumpiska ng pulisya ang Toyota Lite Ace (WLN 106) na ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus operandi. Boy Cruz