^

Probinsiya

Bahay ng pulis ni-raid

-

MANILA, Philippines -  Sinalakay ng pulisya at militar ang bahay ng isang pulis na sinasabing pinag­tataguan ng mga armas na ginamit sa Maguindanao massacre sa isinagawang operasyon sa Cotabato City kahapon ng umaga.

Gayon pa man, ayon kay P/Chief Supt. Feli­cisimo Khu, commander ng Task Force Alpha, na isang M16 Armalite rifle lamang at may tampered ang serial number ang nakuha sa bahay ni P/Inspector Saudi Mukamad sa Anghal Subdivision, Barangay Padua.

Isasailalim sa ballistic exam ang nakumpiskang baril upang malaman kung tutugma ito sa mga slug na nakuha sa crime scene sa Brgy. Salman, sa bayan ng Ampatuan sa Maguin­danao.

Bago ito ay nakatang­gap ng impormasyon ang mga awtoridad na sa ba­hay ni Mukamad itina­tago ang may 15 M16 Armalite rifles na ginamit sa Maguin­danao massacre.   Nina Doris Franche, Joy Cantos AT Artemio Dumlao

ANGHAL SUBDIVISION

ARMALITE

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY PADUA

CHIEF SUPT

COTABATO CITY

INSPECTOR SAUDI MUKAMAD

JOY CANTOS

MAGUIN

NINA DORIS FRANCHE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with