MANILA, Philippines - Tiniyak ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tatapatan nila ang 40 abogado na legal team ng Ampatuans.
Ayon kay VACC founding chairman Dante Jimenez, hinahanda na ang kanilang legal team na tutulong sa pagsulong ng kaso laban sa mga responsable sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23.
Ipinagmalaki pa ni Jimenez na de-kalibre din ang kanilang mga abogado at dati ng may karanasan sa paghawak ng mga high-profile crime cases.
Sinabi ni Jimenez na dapat lamang na mabigyan ng sapat na hustisya ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen lalo pa’t ito ay gumimbal sa buong mundo. Nina Doris Franche, Joy Cantos AT Artemio Dumlao