^

Probinsiya

Piskal, hukom nag-mass leave

-

MANILA, Philippines - Walang piskal at hukom sa Cotabato at maging sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nais na humawak sa kaso ng Ampatuan kaug­nay ng kasong Maguin­danao massacre .

Ito ang kinumpirma ka­hapon ni Justice Secretary Agnes Devanadera mata­pos niyang malaman na ha­los lahat ng hukom sa Cotabato City ay nakapag­tatakang naka-bakasyon lahat nitong nakalipas na linggo.

Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ng piskal at hukom kung kaya’t nagka­roon ng delay ang pagha­hain ng pormal na kaso sa korte laban kay Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan, Jr. na isinasangkot sa Maguindanao massacre kung saan aabot sa 57-katao kabilang na ang 30 mamamahayag ang na­paslang, ayon kay DoJ Sec. Devanadera.

Aminado naman si De­vanadera na ang kawalan ng mga huwes ang nagpa­pahirap ngayon sa kanila upang agad na maisampa ang kaso lalo pa’t may ilang pressure mula sa mga pamilya ng biktima.

Bukod dito, lumikas na rin ang mga government prosecutor sa area ng Co­tabato sa pangamba sa kanilang seguridad.

Dahil dito, ipinasya ni Devanadera na magdala na lamang ng mga prose­cutor mula sa Manila kung saan hiniling niya sa Supreme Court ang pagbuo ng special court o paglili­ pat ng lugar sa paglilitis ng kaso ni Ampatuan.

Napag-alamang nag­talaga na rin ang Supreme Court ng hukom sa Cota­bato City para tumanggap ng kasong isasampa ng DoJ laban kay Ampatuan, Jr. at iba pang akusado.    Nina Doris Franche, Joy Cantos AT Artemio Dumlao

AGNES DEVANADERA

AMPATUAN

ARTEMIO DUMLAO

AUTONOMOUS REGION

COTABATO CITY

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPA

DEVANADERA

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with