MANILA, Philippines - Nabalot ng tensyon ang ilang bahagi ng Mindanao makaraang umuga ang lupa dahil sa 6.0 magnitude na lakas na lindol kahapon ng umaga. Sa ulat ng United States Geological Survey (USGS), natukoy ang epicenter nito sa layong 160 kilometer East Southeast ng General Santos City. Bukod sa General Santos City, naramdaman din ang pagyanig sa Davao City at mga kalapit na lungsod. Gayon pa man, ilang minuto lang ang itinagal ng lindol na pinaniniwalaang epekto ng paglindol sa Indonesia partikular sa Java Island. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa paglindol. Ricky Tulipat