UNICEF man tinodas

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng United Nations International Children’s Emergency Fund ang nasawi nang pag­babarilin ng mga armadong salarin habang nagte-text siya sa kanyang cell phone sa Poblacion 2, Pa­rang, Maguindanao kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Nestor Bulahan, nasa hustong gulang at empleyado ng UNICEF na nakadestino sa Cota­bato. Naganap ang insidente sa kahabaan ng Old Parang Terminal, Poblacion 2 dakong alas-10:30 ng umaga. Nauna rito, nakasakay ang biktima sa isang tricycle habang nagte-text nang pagbabarilin ng suspek. (Joy Cantos)

Show comments