Batangas, Philippines — Kinarit ni kamatayan ang isang bodyguard ng mayor matapos tambangan ito ng isang suspek habang papalabas ng sabungan sa bayan ng San Pascual kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Chief Inspector Renato Mercado, hepe ng San Pascual police station ang biktimang si Armando Marquez, 54, residente ng RR Station, Barangay Calicanto, Batangas City at close-in bodyguard ni Bauan Mayor Ryann Dolor.
Ayon sa report, papalabas na ng San Pascual Cockpit Arena si Marquez na siya ring tumatayong manager nito nang pagbabarilin ng suspek na nakilalang si Marlon Gadol bandang alas-5:15 ng hapon. (Arnel Ozaeta)