Balikbayan dedo sa holdap

Batangas, Philippines— Hindi na umabot pa nang bu­hay sa ospital ang isang 38-anyos na ba­likbayan samanta­lang sugatan naman ang ina at ka­pa­tid nito matapos tam­bangan ng hindi pa na­kikila­lang mga suspek sa Tanauan City kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Superintendent Jesus Gat­chalian, Batangas police director, ang napa­tay na biktimang si Ro­gelio Awitan, re­sidente ng Barangay Banadero.

Sugatan naman ang ina ni Rogelio na si Ne­mesia Awitan, 75, at kapatid nitong si Leo­nilo, 36 na gina­gamot sa CP Reyes Hospital.

Ayon sa report, lu­lan ng Honda Civic ang mag-iina at bina­bagtas ang kahabaan ng highway sa may Barangay Natatas malapit sa exit toll gate ng Star Tollway nang tamba­ngan ng mga armadong sus­pek na lulan ng isang motor­siklo bandang alas-3:30 ng hapon.

Napag-alamang ka­gagaling ng mag-iina sa banko sa Tanauan City para mag-fund trans­fer nang matik­tikan ng mga suspek at agawan uma­no ng hindi pa mala­mang halaga ng pera at mga personal na ga­mit. (Arnell Ozaeta)

Show comments