2 dedo sa pilahan ng traysikel
November 27, 2009 | 12:00am
BULACAN, Philippines — Sinasabing alitan sa pilahan ng traysikel ang naging ugat kaya napatay sa saksak ang dalawang drayber kamakalawa sa Brgy. Minuyan sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Apat na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay nina Noriel Flores, at Ronald Paculda ng Road 12. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Eric Sumido. Lumilitaw sa police report, nagtalo ang tatlo sa pakikipagpilahan ng traysikel sa terminal kung saan nagkapikunan at humantong sa pamamaslang. Boy Cruz
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest