^

Probinsiya

Maguindanao, atbp nasa AFP-PNP control

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasa kontrol na kaha­pon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang provincial capitol ng Maguindanao at dalawang bayan matapos ang brutal at malagim na masaker sa 57-katao, kabilang na ang 37 mamamahayag noong Lunes ng umaga.

Sa pahayag ni DILG Sec­retary Ronaldo Puno na maliban sa kapitolyo ng Maguindanao ay nasa ila­lim na rin ng kontrol ng mili­tar at pulisya ang municipal hall ng Ampatuan at Sha­riff Aguak na sinasa­bing balwarte ng maimplu­wensyang angkan ng mga Ampatuan.

“What we did was to focus on three general areas: take physical control, conduct an honest-to-goodness investigation that will yield evidence that will hold up in court and informing the public of developments and keeping confidential first information of sensitive character, measures that need to be implemented first before we can report it to the media,” ani Puno.

Ang hakbang ayon sa Kalihim ay upang mapi­gilang magamit ang nasa­bing mga tanggapan ng mga Ampatuan na idinidiin sa krimen.

Alinsunod naman sa ipinalabas na Resolution # 2009-610 ng National Police Commission, sinabi naman ni Vice Chairman Eduardo Escueta ng Na­polcom, na inaalis na nila ang karapatan ng mga gobernador at mga alkalde sa lahat ng munisipalidad at maging sa kapitolyo bilang kinatawan ng Napol­com sa lugar na kanilang na­sasakupan.

Ipinalabas ang nasa­bing kautusan kaugnay ng pagkakadawit ng mga pulis at Special Civilian Active Auxiliary sa malagim na krimen.

Idinagdag pa ng opisyal na maari lamang ibalik ang kontrol ng mga lokal na opisyal sa mga security forces kapag nanumbalik na sa normal ang sitwas­yon sa lalawigan.

AMPATUAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MAGUINDANAO

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RONALDO PUNO

SHY

SPECIAL CIVILIAN ACTIVE AUXILIARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with