Cafgu binuwag ng AFP

MANILA, Philippines - Ipinag-utos na kahapon ng Armed Forces of the Phil­ippines (AFP) ang pagbu­wag sa lahat ng Special Cafgu Active Auxiliary na aabot sa 200 ang bilang sa Maguindanao.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff at Acting Chief of Staff Lt. Gen. Ro­dri­go Mac­lang, ito’y mata­pos na ma­dawit sa Maguin­danao massacre ang mga Cafgu sa pagpaslang sa 52-katao kabilang ang 37 mamama­hayag sa bayan ng Ampa­tuan noong Lu­nes.

Sinabi ni Maclang na ang hakbang ay bahagi ng Plan of Action ng AFP sa pagde­deklara ng state of emergency sa nabanggit na lalawigan.

Kasabay nito ay ipa­tu­tupad din ang pagkumpiska sa lahat ng mga armas, uniforms at ammunitions na inisyu sa mga Cafgu sa Ma­guindanao na ipatu-turnover na sa AFP.

 “Currently the AFP is looking into reports alleging the involvement of the Caf­gus into the recent Maguin­danao massacre,” ani Maclang.

Ayon kay Maclang, ka­sa­lukuyan na rin nilang iniim­bes­tigahan ang posi­b­leng pagka­kadawit ng ka­nilang sariling mga tauhan sa insi­dente ma­tapos ang mga itong akusa­hang hindi nag­bigay ng se­guridad sa convoy sa asawa ni Buluan Vice Mayor Ismael ‘Toto’ Ma­ngudadatu.

Sinuspinde na rin ni Mac­lang ang mga inisyung permit sa mga kinauukulan para makapagdala ng mga baril at mission order sa Maguin­danao.

 “The AFP continues to assist the PNP in the conduct of pursuit operations to capture the perpetrators of the recent merciless actions that undermined our nation’s democratic principles,” dag­dag pa ng heneral. 

Show comments