Opisyal ng fraternity itinumba

LEMERY, Batangas , Philippines  — Nagwakas ang pagiging adviser sa fraternity ng isang 21-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa bisinidad ng Barangay Sanggalang sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Napuruhan sa ulo si Estilito “Tote” De Leon, 21, ng Barangay Sambal Ilaya at dating presidente ng Tau Gamma Phi-Lemery Chapter. Lumilitaw sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Charlie Soriano, si De Leon ay nakikipag-inuman sa mga kaibigan nang lapitan at ratratin ng tatlong lalaki na lulan ng pulang motorsiklo na walang plaka.

Sinikap pang isalba ang buhay ng biktima sa Our Lady of Caysasay Medical Center pero namatay din, ayon kay Dr.Joey Alfaro. Arnell Ozaeta

Show comments