PANGASINAN, Philippines — Bilang bahagi ng pagtulong sa komunidad, ang 1976 Magilas Class ng Philippine Military Academy (PMA) sa pangunguna ni (ret.) P/Director Leopoldo Bataoil ay nag-donate ng 13 yunit ng computer sa ilang paaralan sa bayan ng Laoac, Pangasinan kamakalawa. Binigyan naman ng testimonial parade si P/Director Silverio Alarcio ng PMA Class ’76 na ginanap sa Baguio City kamakalawa ng umaga kung saan ang bayan ng Laoac ang kanyang sinilangan.
Pinangunahan din nina Alarcio at Bataoil ang groundbreaking para sa pagtatayo ng one-classroom Magilas building sa Cabilaoan Elementary School kung saan nagtapos bilang valedictorian si Alarcio.
Kabilang sa mga paaralang tumanggap ng yunit ng computer ay ang Laoac National High School, Cabilaoan Agro-Industrial, Don Rufino Tabayoyong Central School, mga elementary school sa Botigue, Cabu-Cala, Calmay, CASTUSU, Inmanduyan, Lebueg, Nanbagatan, Panaga, Quevedo-Anisca, at ang Turko Elementary School. Cesar Ramirez