ILAGAN,Isabela, Philippines — Naging tourist spot ang Iligan Gymnasium kung saan nakaimbak ang 1.8 milyon na bilang ng troso at ibat-ibang uri ng kahoy na sinasabing nakumpiska ng mga awtoridad sa kagubatang sakop ng Isabela.
Hindi maiwasang puntahan ng mga local na turista at mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan na nagsagawa ng field trip sa malawak na Ilagan Gymnasium kung saan naipon ang ibat-ibang uri ng kahoy na nakumpiska ng Anti-Illegal Logging Task Force na pinangungunahan mismo ni Isabela Governor Grace Padaca.
Maging si Sen. Benigno “Nonoy” Aquino Jr ay personal na nagtungo sa nabanggit na lugar kung saan nagimbal sa nasaksihang napakaraming troso at ibat-ibang uri ng kahoy na nagkalat sa labas at loob ng gymnasium.
Napag-alamang magkakasunod na raid ang isinagawa ng task force sa pangunguna ni Padaca sa ibat-ibang lugar sa Isabela partikular na sa bayan ng San Mariano kung saan nila nakumpiska ang pinakamalaking bilang ng mga ka hoy. Victor Martin