^

Probinsiya

Imbakan ng troso naging tourist spot

-

ILAGAN,Isabela, Philippines — Na­ging tourist spot ang Iligan Gymnasium kung saan na­kaimbak ang 1.8 milyon na bilang ng troso at ibat-ibang uri ng kahoy na sinasabing nakumpiska ng mga awto­ridad sa kagubatang sakop ng Isabela.

Hindi maiwasang punta­han ng mga local na turista at mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan na nagsagawa ng field trip sa malawak na Ilagan Gymnasium kung saan naipon ang ibat-ibang uri ng kahoy na nakumpiska ng Anti-Illegal Logging Task Force na pinangungunahan mismo ni Isabela Governor Grace Padaca.

Maging si Sen. Benigno “Nonoy” Aquino Jr ay personal na nagtungo sa nabanggit na lugar kung saan nagimbal sa nasaksihang napakaraming troso at ibat-ibang uri ng kahoy na nagkalat sa labas at loob ng gymnasium.

Napag-alamang magka­kasunod na raid ang isina­gawa ng task force sa pa­ngunguna ni Padaca sa ibat-ibang lugar sa Isabela par­tikular na sa bayan ng San Mariano kung saan nila na­kumpiska ang pinaka­ma­laking bilang ng mga ka­ hoy. Victor Martin 

ANTI-ILLEGAL LOGGING TASK FORCE

AQUINO JR

BENIGNO

ILAGAN GYMNASIUM

ILIGAN GYMNASIUM

ISABELA

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

NAPAG

SAN MARIANO

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with