^

Probinsiya

Banta sa administrasyon ni Governor Sacdalan, pinakalma

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Umapela kamakalawa si North Cotabato Governor Jesus Sacdalan sa kan­yang mga nasasakupan kabilang na ang mga supporter niya na maging mahinahon sa kabila ng sinasabing banta nang pananabotahe sa kanyang administrasyon.

Ginawa ni Sacdalan ang panawagan matapos si­yang makatanggap ng intelligence report na nag­sa­sabing may grupo na may planong sirain ang kan­yang panunungkulan sa lalong madaling pa­nahon.

Partikular ang umano’y puwersahang pag-agaw ng grupong hindi direktang tinukoy ni Sacdalan sa pamamahala sa provincial capitol.

“I instructed our provincial police to exert all efforts to foil any move that will undermine the security of the province and its constituents,” pahayag ni Sacdalan kung saan iginiit niyang hindi niya papayagang maghari ang karahasan sa kanyang nasasakupan.

Sa kabila nang kanyang panawagan sa mga kaba­bayan na maging mahina­hon, hinimok din ng gober­nador ang mga ito na ma­ging “mapagmatyag at tu­mulong sa mga awtoridad na pigilan ang pagta­tang­kang pananabotahe.”

Nang pilitin pangalanan ang nagbabanta sa kan­yang administrasyon tu­manggi namang idinitalye ni Sacdalan ang pagba­banta sa kanyang adminis­tras­yon.

Si Sacdalan ay nasa re-election bid sa 2010 polls at posibleng makalaban sa gubernatorial race sina Vice Governor Emmanuel Piñol at 1st District Rep. Emylou Talino-Mendoza.

Subalit mayroon uma­nong negosasyong naga­ganap para sa posibilidad na Sacdalan-Mendoza tandem.

DISTRICT REP

EMYLOU TALINO-MENDOZA

GINAWA

NANG

NORTH COTABATO GOVERNOR JESUS SACDALAN

PARTIKULAR

SACDALAN

SHY

SI SACDALAN

VICE GOVERNOR EMMANUEL PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with