GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Isang ten wheeler truck na pinaniniwalaang hinayjak at naglalaman ng P.600m halaga ng soy meal ang narekober sa isang bahagi ng Cagayan Valley Road, Brgy Sta. Rita.
Sa ulat ng pulisya, isang residente ang nag-report dito dakong alas-10:30 ng umaga at isinumbong ang isang truck na may plakang CNB-392 ang nakatigil sa naturang lugar at nang siyasatin ay natagpuan sa loob nito ang 441 sako ng Argentina soy meal at pag-aari ni Jonathan Andrew Lim.
Ang nasabing truck ay mula sa Elisco Road, Brgy Ibayo-Tipas, Taguig City at idedeliber sa Pines Farm sa Dau, Mabalacat, Pampanga ngunit hin di ito nakarating kaya agad na pinaghanap.
Posible umanong tinangay ng mga hijackers ang driver ng truck na si Gerald Taruc at Joseph Radones at inabandona na lang ang kargamento. Patuloy na pinaghahanap ng mga oto ridad ang mga suspek. Boy Cruz