Graft isinampa vs ex-mayor at asawa

BATANGAS, Philippines — Hina­tulan ng Sandigan­ba­yan na makulong ng 20-taon ang isang da­ting alkalde ng Taal at asawa nito matapos mapatunayang nag­ka­sala sa kasong kati­walian.

Sina Librado Cab­re­ra at Fe Cabrera na kap­wa naging dating alkal­de ng Taal ay na­patu­nayang guilty sa dala­wang bilang ng kasong katiwalian da­hil sa uma­no’y maano­malyang pagbili ng mga gamot at iba pang medical supplies bidding. Bukod dito, ka­anak ng mag-asa­­wa ang presidente at general manager ng Diamond Laboratories Inc., na kinuhanan ng medical supplies.

Pinaba­balik ng San­digan­bayan - 4th division sa mag-asawang Ca­brera ang P198,63­99.49 na ginas­tos ng mga ito sa mga hindi otorisadong biya­he. Si Librado ay na­ging al­kalde noong 1995 hang­­­gang 1998 at pinalitan siya ng kanyang asawa na si Fe mula taong 1998 hanggang 2001.

Hindi tinanggap ng Sandiganbayan ang katuwiran ng mag-asawang Cabrera na maituturing na emergency purchase ang pagbili sa mga gamot kaya hindi na ito du­maan sa public bidding. Arnell Ozaeta

Show comments