Lider ng Sayyaf dedo sa militar

MANILA, Philippines - Patay ang isang notoryus na lider ng Abu Sayyaf matapos ma­kaengkuwentro ang tropa ng military sa Brgy. Cambug, Al Bar­ka, Basilan ka­ma­kalawa.

Ang Abu Sayyaf Commander na si Ab­dulla Ajijul alyas Abu Termijie na may patong sa ulo na P3.3M ay napaslang nang maka­engkuwentro ang military dakong alas-11:30 ng umaga sa Sitio Ba­quisong, Brgy Cam­bug, Al Barka.

Unang nakatang­gap ng intelligence report ang military na si Ajijul ay nananatili sa naturang lugar kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at natiyem­puhan ang pakay, ngu­nit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ito.

Sa ulat, si Ajijul ay isang terrorista na sanay umanong mag­hasik ng kaguluhan sa mga lalawigan at na­kabase sa Zamboanga City.

Ito din ang res­ponsable sa serye ng pambobomba sa ilang lugar sa Ba­silan at pagdukot sa tatlong guro sa Lan­dang Gua island, Zam­boanga no­ong Enero. May na­kabimbin din warrant of arrest laban kay Ajijul dahil sa ka­song kidnapping with serious illegal detention.

Nakuha naman mu­la sa bangkay ni Ajijul ang isang M653 rifle with scope at isang Motorola radio.

Show comments