Magkaibigan itinumba sa bar

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng magkaibigang lalaki makaraang pagbabarilin habang nag-iinuman ng alak sa loob ng videoke bar sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Renato Alba, Candelaria police chief, ang dalawa na sina Catalino Luistro, security guard; at Jeffrey Balbuena, kapwa residente ng Barangay Sta. Catalina Sur, Can­de­laria. Ayon sa police report, masayang nag-iinuman ng alak ang dalawa sa loob ng Sally Videoke Bar nang lapitan at ratratin ng maskaradong lalaki bandang alas-12:15 ng madaling-araw. Patuloy pa ring inaalam kung ano ang motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta

Show comments