Bahay ng poll officer binomba

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang compound ng election officer matapos sumabog ang granada na inihagis ng mga maskaradong kalalakihan kamakalawa sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija. Lumilitaw sa ulat ng pulisya na bandang alas-9:30 ng gabi nang yanigin ng pagsabog ang compound ni Pacifico Gijapon, election officer ng Bongabon, Nueva Ecija. Nawasak ang dingding at salamin ng bintana ng tahanan ni Gijapon pero wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa in­sidente. Sa tala ng pulisya, noong Sabado ay binaril at nasawi naman si Agoo, La Union poll supervisor Atty. Michael Valdez sa Isabela. Joy Cantos

Show comments