2 CAFGU niratrat, patay

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang mi­yembro ng Cafgu Active Auxillary nang pagba­barilin ng grupo ng New People’s Army ng suma­lakay ang mga ito sa detachment ng una sa Brgy Baracatan, Toril District, Davao City kamakalawa.

 Ang mga biktimang sina CAA’s Ben Tayo, 26, residente ng Sitio Balabag, Brgy Sibu­lan, Santa Cruz, Davao del Sur at Joel Adang, 53, ay pi­nag­­babaril ng NPA ng sala­kayin ang Baracatan Patrol Base sa Purok 1, Brgy Bara­catan, Toril District, Davao City dakong alas-2:00 ng hapon.

Gumamit pa ang mga rebelde ng granada para mapasok ang naturang detachment kung saan tu­magal ng 30-minuto ang bakbakan saka tumakas ang mga ito patungong Mt. Talomo, Brgy, Sibulan ng nasabing lugar. Tahasang kinondena ni 10th ID Chief Major Gen. Carlos Holganza ang nabanggit na pagsalakay at iniutos na tugisin ang mga tumakas na NPA. Joy Cantos

Show comments