Killer ng pulis nanlaban, todas

MANILA, Philippines - Napaslang ang lider ng sindikato ng droga, carnap­ping at killer ng tatlong pulis at isang mediaman na si Zoren Samal ng barilin ni PO1 Arnel Baslan matapos na mang-agaw ng baril habang ibinabiyahe patu­ngong Tay­tay, Rizal, ka­makalawa ng ha­pon.

Si Samal ay naaresto dakong ala-1:45 ng hapon sa Market-Market Mall, Taguig City, ngunit ng dadalhin na sa Rizal Provincial Police Office ay big­la na lang itong naki­pag­bu­no sa pulis na nakilala lang sa pangalang PO2 Su­bong kaya agad na rumis­ponde si Baslan at binaril ang suspect.

Sa record ng pulisya, si Samal ang suspect sa pagpatay kina PO3 Romeo Maglinao at PO2 Urbano Enero ng 4th Regional Mobile Group noong Pebrero 11, 2007 sa drug operation sa Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal. Ito rin ang responsable sa pagpa­tay kina PO2 Virgilio de la Cruz Jr., ng Rizal PPO at sa journalist photographer na si Tiburcio “Jojo” Trajano ng Remate sa shootout sa nabanggit din lugar noong Hunyo 3, 2009.

Ikinatuwa naman ni Philippine National Police chief Director General Jesus Verzosa ang matagumpay na pagka­ka­dakip kay Sa­mal. Joy Cantos

Show comments