^

Probinsiya

28 kidnaper ng 3 Tsino, kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng pu­lisya ng kasong kriminal ang 28 kidnaper kabilang ang isang kumander ng mga bandidong Abu Sayyaf kaugnay sa pag­dukot sa tatlong Tsino at isang Pinoy sa bayan ng Maluso, Ba­si­lan noong Nobyembre 10.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si P/Chief Supt. Leonardo Espina, ka­bilang sa mga kinasuhan ay sina Mujahid Nasirin, Amilhusin Insoh, Daniel Musa, Omar Musa, Commander Furuji Indama, Mo­ton Indama, Hud Li­maya, Adam Mingkong, Muktar Abon, Ismael Sakkan, Nasser Butug at 17-iba pa

Ang mga suspek ay itinuturong dumukot kina Jerry Tan, Michael Tan, Oscar Tan na pawang ne­gosyante sa High Tech Woodcraft, Inc. at sa gu­war­diyang si Mark Singson noong Nobyembre 10 sa Brgy. Townsite sa bayan ng Maluso.

Ang grupo ni Indama ay maraming beses na na­sangkot sa kasong kidnapping kung saan ilan sa kanilang mga biktima ay ang mga bihag na pinu­gutan dahil sa hindi naka­bayad ng ransom.

Isinasangkot din ang grupo ni Indama sa pamu­mugot sa sampu sa 14 na­sawing miyembro ng Philippine Marines matapos makorner sa engkuwentro sa Al Barkha, Basilan. Joy  Cantos

vuukle comment

ABU SAYYAF

ADAM MINGKONG

AL BARKHA

AMILHUSIN INSOH

CHIEF SUPT

COMMANDER FURUJI INDAMA

DANIEL MUSA

HIGH TECH WOODCRAFT

INDAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with