MANILA, Philippines - Nasilat ng tropa ng militar ang panibagong tangkang pagpapasabog sa Salaam Bridge ng mga armadong kalalakihan na sinasabing mula sa grupo ng Abu Sayyaf sa Sitio Baitamal sa Brgy. Bato-Bato sa bayan ng Indanan, Sulu kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng tanggapan ni Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Rustico Guerrero, bandang alas-9:20 ng gabi nang pagtangkaan muli ng mga bandidong Abu Sayyaf na pasabugin ang nabanggit na tulay kung saan nasilat ng tropa ng military. Tumagal din ng 15-minutong palitan ng putok sa pagitan ng military at Abu Sayyaf.
Napag-alamang katatapos lamang gawin ng nasabing tulay kamakalawa ng hapon matapos ang dalawang beses na bombahin ng Abu noong Oktubre. Joy Cantos