Mangingisda nabulag sa dinamita
MANILA, Philippines - Naputulan ng kanang kamay at nabulag ang isang mata ng isang 29-anyos na mangingisda nakaraang sumabog ang dinamita na kanyang hawak habang nangingisda sa karagatan ng Paoay, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.
Lumilitaw sa police report na pumalaot ang biktimang si Antonio Labasan ng Brgy. Callaguip at ang kasama na si Christopher Agdeppa upang mangisda gamit ang dinamita bandang alas-6 ng gabi.
Napag-alamang ihahagis na sana ni Labasan ang sinindihang dinamita nang sumabog sa kaniyang kamay kung saan nadamay ang kanyang mga mata at nalasog ang kanang kamay. Samantala, nagtamo naman ng bahagyang sugat si Agdeppa na tinamaan ng shrapnel ng dinamita. Joy Cantos
- Latest
- Trending