Ambus: Trader, 2 pa todas

LEGAZPI CITY , Philippines  — Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlo-katao kabilang na ang isang trader at barangay ta­nod makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang ka­lalakihan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Masbate kamakalawa.

Sa police report, naunang naganap ang karahasan sa Brgy. Aguada sa bayan ng Placer kung saan pinagbabaril hanggang sa mapatay sina Antonio Dote, 38, ng Brgy. Banao at Gregoria Villa­guardia, 51, trader, ng Brgy. Quezon.

Nasugatan naman si Gregoria Popon, 61, ng Brgy. Locsoan. Samantala, sa Barangay Tonga, Balud, niratrat naman si Barangay Tanod Melchor Villaruel, 42, kung saan namatay habang ginagamot sa Masbate Provincial Hospital. Tugis ng pu­lisya ang suspek na si Nestor “Nonong Magkal” Agao, 42. Ed Casulla

Show comments