Dalaga nagbigti dahil sa pag-ibig

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang kabi­guan sa pag-ibig ang isa sa dahilan kaya nagbigti ang isang 21-anyos na dalaga sa loob ng aparador sa kani­yang inuupahang board­ing house sa Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, sa bayan ng Malay, Aklan kamakalawa.

Lawit ang dila, luwa ang mga mata at nangingitim na nang matagpuan ang biktimang itinago sa pa­ngalang Melissa base na rin sa pakiusap ng pamilya.

Base sa report ng Bora­cay Special Tourist Protection Office na naka­ rating sa Camp Crame, bandang alas-5:10 ng hapon ng ma­diskubre ang bangkay ng dalaga gamit ang sin­turon.

Nabatid na si Melissa na residente ng Brgy. Kina­langay Viejo, Malinao, Ak­lan ay namamasukan bi­lang saleslady sa isang tin­dahan sa Boracay Beach Resort.

Napag-alamang huling naikuwento ng biktima sa kan­yang mga kaibigan ang problema sa kaniyang nob­yo at pamilya na sina­sa­bing dahilan ng kaniyang pagpapatiwakal.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ng pulisya na hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ng biktima na magpakamatay kung saan ay minsan na itong nagbigti gamit ang charger ng cel­pon pero naputol ito kaya pumalpak ang masamang tangka.

Show comments