10 kilong shabu nasabat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines— Aabot sa sam­pung kilong shabu na sinasabing ikakalat sana sa Kabikulan ang nasabat ng mga awtoridad kama­kalawa ng hapon sa Pilar Port sa Barangay Bina­nuahan sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Ayon kay PDEA Dir. Pedrito Magsino, nasabat ang kilu-kilong shabu sa pampasaherong bangka na M/B Gloria 8 na pag-aari ng Danica Lines.

Ayon sa kapitan ng bangka na si Jerry Tuberon, na inihabilin lamang ng isang Tessie Cervantes ng Mas­bate City ang sampung kahon upang dalhin sa Pilar at may kukuha na lamang nito doon.

Nasabat ang droga matapos makatanggap ng im­pormasyon ang kinauukulan na may dadaong na bang­ka na may kargang droga. Ed Casulla

Show comments