MANILA, Philippines - Aabot sa limang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa pampasaherong bus sa bayan ng Talaca, Kalinga, ayon sa pulisya kahapon. Sa report ni C/Insp. Tessie Sarmiento na nakarating sa Camp Crame, ang limang kilo na marijuana ay nakasilid sa limang kahon kung saan nadiskubre sa compartment ng Dangwa Bus Liner na may plakang AYC 439.
Napag-alamang isinakay ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki ang mga kahon ng marijuana sa bayan ng Nambaran, Tabuk, na nakapangalan sa isang Jordan Telan. Ricky Tulipat