P750-milyong buwis ipinagkaloob sa Nueva Vizcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Maagang Pa­masko ang natanggap ng Nueva Vizcaya makaraang maibigay kahapon ang 750 milyong buwis na nako­lekta sa Casecnan Multi-purpose Irrigation and Po­wer Project na pinanga­nga­siwaan ng California Energy and Water Company (Cal-Energy).

Pormal na ipinagka­ loob ni Cal-Energy President Joe Sullivan kay Nueva Vizcaya Governor Luisa Lloren Cuaresma, ang tse­ke na nagkaka­ halaga ng P750 milyon bilang buwis ng nasabing kom­panya sa provincial government.

“The P750 million committed by Cal-Energy, which was based on the tax assessment by the Land Bank of the Philippines, was a far cry from the tax assessment by the provincial government at P1.9 billion. We are just claiming what is rightfully and legally belong to this province and due the people of Nueva Vizcaya,” pahayag ni Gov. Cuaresma.

Nauna rito, ay inihayag ni Cuaresma na mapipilitan ang provincial government na i- takeover ang proyekto mula sa Cal-Energy kung mabigo ang kompanya na bayaran ang naipon na real estate tax para sa lalawi­gan.

Naging saksi rin ang mga abogado ng magkabi­lang panig sa isinagawang ba­yaran kabilang na ang al­kalde ng Alfonso Casta­neda, Nueva Vizcaya  kung saan matatagpuan ang proyekto; Vice Governor Jose Gam­bito, provincial treasurer Per­fecto Marti­nez at iba pang opisyal ng Nueva Vizcaya. Victor Martin

Show comments