P750-milyong buwis ipinagkaloob sa Nueva Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Maagang Pamasko ang natanggap ng Nueva Vizcaya makaraang maibigay kahapon ang 750 milyong buwis na nakolekta sa Casecnan Multi-purpose Irrigation and Power Project na pinangangasiwaan ng California Energy and Water Company (Cal-Energy).
Pormal na ipinagka loob ni Cal-Energy President Joe Sullivan kay Nueva Vizcaya Governor Luisa Lloren Cuaresma, ang tseke na nagkaka halaga ng P750 milyon bilang buwis ng nasabing kompanya sa provincial government.
“The P750 million committed by Cal-Energy, which was based on the tax assessment by the Land Bank of the Philippines, was a far cry from the tax assessment by the provincial government at P1.9 billion. We are just claiming what is rightfully and legally belong to this province and due the people of Nueva Vizcaya,” pahayag ni Gov. Cuaresma.
Nauna rito, ay inihayag ni Cuaresma na mapipilitan ang provincial government na i- takeover ang proyekto mula sa Cal-Energy kung mabigo ang kompanya na bayaran ang naipon na real estate tax para sa lalawigan.
Naging saksi rin ang mga abogado ng magkabilang panig sa isinagawang bayaran kabilang na ang alkalde ng Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya kung saan matatagpuan ang proyekto; Vice Governor Jose Gambito, provincial treasurer Perfecto Martinez at iba pang opisyal ng Nueva Vizcaya. Victor Martin
- Latest
- Trending