4 dalagita naisalba sa prostitusyon

BAGUIO CITY, Philippines – Dahil sa paglaganap ng prosti­tusyon, apat na dalagita ang iniulat na naisalba ng mga opera­tiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera mula sa sindikato ng white slavery noong Martes ng gabi sa kahabaan ng Carino Street sa Baguio City.

Kabilang sa apat na bik­tima na itinago sa mga pa­ngalang Anna, 14; Lorna, 13; Fe, 16; at Kris, 17 na pa­wang nahikayat ng suspek na si Candy, 17.

Ayon kay P/Senior Supt. Moises Guevarra, regional chief ng CIDG-Cordillera, na­alarma ang mga awtori­dad sa pagtaas ng bilang ng mga me­nor-de-edad na kababa­ihan na may sakit na sexually transmitted disease (STD) dahil sa lumalalang ben­tahan ng panandaliang aliw sa nabanggit na lung­sod.

Nabatid pa kay P/Chief Insp. Lucrecio Rodrigueza na dumadagsa ang reklamo ng mga magulang na mahi­hi­kayat ang kanilang mga anak na dalagita sa flesh trade.

Inamin naman ng mga aw­toridad ang lumalalang flesh trade dahil sa economic crisis sa nabanggit na lungsod.

Idinagdag pa ni Rodri­gueza na ang mga dalagi­tang nahikayat na sa flesh trade ay nag-aabang ng mga kliyente sa mga kal­sada kung saan maging lokal na turista ay pina-patronize ang pros­titusyon.

Patuloy naman minomo­nitor ng mga awtoridad ang mga lugar na kalimitang pi­nag­pupugaran ng flesh trade sa nabanggit na lungsod.

Nasa pangangalaga na ng DSWD-CAR ang apat ha­bang inihahanda na ang ka­ukulang kaso laban sa na­arestong suspek. Artemio Dumlao

Show comments