Jeepney vs bike: Kano dedo

PANGASINAN, Philippines — Isang 71-anyos na Kano ang iniulat na nasawi samantalang sugatan naman ang katulong nito makaraang masalpok ang kanilang motorsiklo ng pampasaherong jeepney kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Avenida Rizal at Marambar Blvd. sa bayan ng Lingayen, Pangasinan. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Frederick Blake na kasalukuyang nakatira sa Ramos Street sa Poblacion habang ginagamot naman sa Region I Medical Center sa Dagupan City si Agripina Daz. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng jeepney na si Domingo Rosario, 49, ng bayan ng Binmaley, Pangasinan. Cesar Ramirez

Show comments