4 NPA rebs nadakma

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kalaboso ang binag­sakan ng apat na rebeldeng New People’s Army kabilang na ang kanilang lider makaraang maaresto ng mga sundalo ng 3rd Scout Ranger Battalion kahapon ng umaga sa Sitio Sagpon, Ba­rangay Siuton sa bayan ng Magallanes, Sor­sogon. Suma­sailalim sa tactical interrogation ang mga sus­pek na sina Biato “Ka Benjie” Latosa, 50, kumander ng grupo; Nilo Escullar, 38; Ama­deo Grayda Jr., 35; at si Ernesto Laba­dia Jr., 18. Sa ulat ni 1Lt. Ervin Capena, lumilitaw na papaalis na ang apat sa tinulu­yang bahay nang maispatan ng mga sun­dalo. Narekober sa mga rebelde ang dalawang M16 Ar­malite rifle, M14 rifle, Ingram machine pistol, 1 rifle grenade, granada at mga bala. Ed Casulla

Show comments