4 NPA rebs nadakma
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng apat na rebeldeng New People’s Army kabilang na ang kanilang lider makaraang maaresto ng mga sundalo ng 3rd Scout Ranger Battalion kahapon ng umaga sa Sitio Sagpon, Barangay Siuton sa bayan ng Magallanes, Sorsogon. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Biato “Ka Benjie” Latosa, 50, kumander ng grupo; Nilo Escullar, 38; Amadeo Grayda Jr., 35; at si Ernesto Labadia Jr., 18. Sa ulat ni 1Lt. Ervin Capena, lumilitaw na papaalis na ang apat sa tinuluyang bahay nang maispatan ng mga sundalo. Narekober sa mga rebelde ang dalawang M16 Armalite rifle, M14 rifle, Ingram machine pistol, 1 rifle grenade, granada at mga bala. Ed Casulla
- Latest
- Trending