NPA rebs nadakma sa sementeryo

MANILA, Philippines - Nalambat ng pulisya ang itinuturing na lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa isingawang operasyon sa pampublikong sementeryo ng bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental kamakalawa. Nakum­piskahan ng homemade cal. 357 revolver at granada si Alfonso De­cedillo matapos dumalaw sa puntod ng kanyang mahal sa buhay. Batay sa report ni P/Senior Inspector Arnold Mesias na ipinarating sa Camp Crame, lumitaw na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na dadalaw sa puntod ng kanyang yumaong kaanak si Decedillo kaya pinostehan ang nasabing sementeryo subalit nabigo namang masakote noong Undas. Kamakalawa sa pag-aakalang wala ng nagmamatyag sa kaniya ay binisita ng nasabing rebelde ang puntod ng isa nitong mahal sa buhay kaya hindi na nakapalag nang arestuhin. Joy Cantos

Show comments