MANILA, Philippines - Umaabot sa 46 miyembro ng New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front ang boluntaryong nagsisuko sa tropa ng pamahalaan nitong nagdaang Oktubre, ayon sa opisyal kahapon.
Dahil dito, ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col Arnulfo Burgos Jr., sa taong 2009 ay nasa 458 NPA red fighters at 438 MILF ang nagsisuko sa pamahalaan bitbit ang kanilang mga armas.
Ayon kay Burgos, malaki ang naging papel ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, Non Government Organization lalo’t higit ang social integration program ng gobyerno para makumbinsi ang mga rebende na sumuko. (Joy Cantos)