3-katao dedo sa killer bus

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong mi­yembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kumpirmadong nasawi matapos salpukin ng tourist bus ang motor­siklo ng una kahapon ng umaga sa bayan ng Ba­coor, Cavite.

Kabilang sa mga nasawi ay ang magpinsang sina Jayrone Greg Perez Ji­me­nez, 14; Lea Patricia San Mi­guel, 18; at ang drayber ng mo­torsiklo na si Jimboy Aguila, 22, na na­unang ini­ulat na malub­­hang nasuga­tan at na­isugod sa St. Do­minic Hospital at pa­wang nakatira sa Family Village sa Barangay Pana­paan 1, Bacoor.

Ayon sa police report, sa­kay ng motorsiklo ang tatlo at binabagtas ang Ti­rona Highway sa Ba­rangay Habay 2 nang ma­ganap ang trahedya ban­dang alas-5:45 ng umaga.

Sa salaysay ng mga saksi, ang mga biktima na si­nasabing dadalo sana sa pagsamba, ay umobertake sa naunang jeep subalit nahagip ng kasalubong na tourist bus (TWY 153) sa kabilang linya.

Napag-alamang naka­rehistro ang tourist bus sa pangalan ng Triple R & N Tours sa # 11 Hercules Street,Crest View Subd., Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Sumuko naman sa pu­lisya at pormal na kakasu­han ang bus driver na si Cesar Guadalupe, 52, ng Block 23, Lot 67, Sterling Street, Brgy. Lores, Anti­polo City, Rizal. Cristina Tim­bang , Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

Show comments