Mag-utol na NPA rebs sumuko
BACOLOD CITY, Philippines — Tuluyan ng sumuko ang mag-utol na rebeldeng New People’s Army matapos na hikayatin ang mga ito ng kanilang pamilya sa Negros Oriental.
Ang magkapatid na sina Emma, 36; at Joan ay sumuko matapos na samahan ng kanilang ama at kapatid sa tanggapan ni 303rd Infantry Brigade Commander Maximo Caro sa Camp Nelson Gerona sa Brgy, Minoyan, bayan ng Murcia, Negros Occidental.
Halos isang buwan din na kinumbinsi ang dalawang ex-NPA rebs ng pamilya nito dahil sa takot na masakote ng military sa tuwing bumababa ng bundok.
Kapwa may patong sa ulo ang magkapatid na P550,000 dahil sa kasong rebellion at murder sa bayan ng Guihulngan, Negros Oriental at may pending warrant of arrest kasama ang paring NPA lider na si Frank Fernandez dahil sa pananambang kay dating Canlaon Mayor Jose Cardenas.
Naging miyembro ng NPA si Emma noong 1998 sa ilalim ng Armadong Yunit Pangpropaganda na nag-ooperate sa Canlaon City, Negros Oriental, habang si Joan ay sumapi noong siya ay 15-anyos pa lamang at sinanay bilang assistant squad leader.
Sa kanilang pagsuko, hiniling ng magkapatid na tiyakin ng gobyerno ang kanilang seguridad. Ito ay para na rin anila sa kanilang kinabukasan, bukod pa sa panawagan ng kanilang pamilya.
Ang pagkakagulo rin sa kanilang grupo ang isa pang naging dahilan ng kanilang pagsuko sa pamahalaan. Antonieta B. Lopez
- Latest
- Trending