^

Probinsiya

LTO offc'l, utol utas sa ambus

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang aga­wan sa puwesto ang isa sa motibo kaya tinambangan at napatay ang isang opis­yal ng lokal na sangay ng Land Transportation Office at kapatid nito ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap kahapon ng uma­ga sa highway ng bayan ng Tubod, Lanao del Norte.

Kinilala ni P/Senior Supt. Bernardo Reamon, ku­mander ng task force, ang magkapatid na sina Alejandro “Ali” Datuma­nong, deputy director ng Land Transportation Office sa Iligan City at Akrab Datumanong.

Nabatid na si Ali ay sina­sabing isa sa dalawang aplikante sa pagka-hepe ng LTO sa Iligan City su­balit iba ang napipisil na maging director ng LTO Region 10.

Sinasabing umapela pa sa tanggapan ni Lomibao si Ali na siya ang dapat na mailagay sa posisyon bi­lang hepe ng LTO ng Ili­gan City dahil siya ang kuwalipikado sa posisyon bilang Traffic Regulation Officer 2 sa nabanggit na ahensya.

Gayon pa man, walang sinuman sa dalawang ap­likante sa posisyon ang nailagay na hepe ng LTO kundi si Monching Ma­ngudato na sinasabing may koneksyon sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Sa phone interview, si­nabi ni Reamon na naga­nap ang pananambang sa kahabaan ng highway ng Alcuizar Avenue, Baraas, bandang alas-8:15 ng umaga.

Napag-alamang patu­ngo na sana sa opisina ang mag-utol na lulan ng Isuzu Crosswind nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Sa nasabing pag-atake ay nadamay ang kapatid ni Ali na si Akrab na tuma­tayong drayber ng sa­sakyan.

Naisugod pa sa Dr. Uy Hospital pero namatay din habang ginagamot.

Nakipag-ugnayan na rin si LTO chief Arturo Lu­mi­bao sa PNP at sa NBI Ili­gan City para mabilis na ma­bigyang linaw ang na­ganap na pamamaslang kay Datumanong.           

AKRAB DATUMANONG

ALCUIZAR AVENUE

ALI

ARTURO LU

BERNARDO REAMON

DR. UY HOSPITAL

ILIGAN CITY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with