BATAAN, Philippines – Isang 50-anyos na kawaning pribadong kompanya ang kumpirmadong nasawi makaraang masalpok ng pampasaherong aircon bus sa Roman Highway sa Barangay Lucanin sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Ranielo Campoy Pangan, kawani ng Sun Marine Corp. sa Navotas, Manila at nakatira sa Seafront Shipyard sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni PO2 Jaime Austria Jr., lumilitaw na tumatawid ang biktima nang masalpok ng Bataan Bus Transit (TXE 137) na minamaneho ni Carlito Molina ng Brgy. San Isidro, Mariveles. Jonie Capalaran