MANILA, Philippines - Siyam na barangay sa bayan ng Casiguran, Aurora ang iniulat na nilamon ng tubig-baha dulot ng pag-ulan na dala ng hanging habagat, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Lt. Col. Ely Escarcha, commander ng Army’s 48th Infantry Battalion sa bayan ng Baler, Aurora, kaagad naman nagsagawa ng rescue at relief operations sa mga apektadong barangay.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Barangay Kulat, Kalantas, Tabas, Esperanza, Dibacong, Luan, Kalangkuasan, Marikit at ang Barangay Uno sa Poblacion.
Inihayag ng opisyal na ang pagbaha ay bunga ng high tide sa Casiguran Bay at pag-apaw ng mga ilog sa nasabing bayan.
Inilikas na rin ang mga residente mula sa Brgy. Kalangkuasan na lagpas sa baywang ang baha kung saan sampung bata na sinasabing walang kasama sa kani-kanilang tahanan.
Samantala, hindi rin madaanan ng mga motorista ang highway patungo sa kanugnog na bayan ng Dilasag kung saan patuloy na minomonitor ng mga awtoridad. Joy Cantos