^

Probinsiya

9 barangay nilamon ng baha

-

MANILA, Philippines - Siyam na barangay sa bayan ng Casiguran, Aurora ang iniulat na nilamon ng tubig-baha dulot ng pag-ulan na dala ng hanging habagat, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni Lt. Col. Ely Escarcha, commander ng Army’s 48th Infantry Battalion sa bayan ng Ba­ler, Aurora, kaagad naman nag­sagawa ng rescue at relief operations sa mga apek­tadong barangay.

Kabilang sa mga apek­tadong barangay ay ang Ba­rangay Kulat, Kalantas, Ta­bas, Esperanza, Diba­cong, Luan, Ka­lang­kuasan, Marikit at ang Barangay Uno sa Poblacion.

Inihayag ng opisyal na ang pagbaha ay bunga ng high tide sa Casiguran Bay at pag-apaw ng mga ilog sa nasabing bayan.

Inilikas na rin ang mga residente mula sa Brgy. Kalang­kuasan na lagpas sa baywang ang baha kung saan sam­pung bata na sinasabing walang kasama sa kani-kanilang tahanan.

Samantala, hindi rin ma­daanan ng mga motorista ang high­­way patungo sa kanug­nog na bayan ng Dila­sag kung saan patuloy na mino­monitor ng mga awto­ridad. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY UNO

BRGY

CASIGURAN

CASIGURAN BAY

DIBA

DILA

ELY ESCARCHA

ESPERANZA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with